Sabado, Oktubre 29, 2011

Halloween 2011

Friday after work, I was walking in Ayala to Paseo to wait for my sister for us to go together at the Power Plant Happy Lemon to hang out but heavy traffic hindered us from doing so. Instead we changed plans to just catch Puss in Boots in Megamall but people there were everywhere (whew!) then I remembered its payday pala! Then we just decided to eat at Amici for a sumptuous flavor of pizza and pasta (yeah baby)..Hahaa


Thank you Ate Koks for a wonderful dinner...Hehehe next time ulit.. :)

Linggo, Oktubre 16, 2011

Mga Nakaraang Pangyayari...



Whew! Ang tagal din ng huling pagsulat ko... Ang daming nangyari, ang daming nakita at ilang naranasan... At ngayon ililista ko na lang para kahit paano ay masubaybayan.

1. Ang malungkot na pagkatalo ng Smart Gilas Pilipinas sa Jordan at Korea.

Ilang minuto na lang at matatapos na ang laro. Ang laban na sana nagdala sa atin sa finals. Pilipinas VS Jordan... Sa huling pagtakbo, pagpasa at pagtingin sa oras lamang na ang Jordan. Pinilit na muling maihabol ang score pero wala na. Natalo tayo.... Ang laban natin na ito ang unang basketball game na nagpalungkot sa akin ng todo. Pagkatapos ng laro, pinatay ko ang TV, pinatay ang mga ilaw sa sala, dumiretso sa kwarto at pinilit kong itulog ang nararamdamang kalungkutan...

Kinabukasan, muli kong inabangan ang laban kontra Korea. Battle for Third. Naging maganda ang laro. Nabuhayan ako. Naging matapang muli...Ngunit pagdating ng 3rd quarter kinabahan na ako dahil sadyang naging masigasig ang team Korea. Patuloy ang kanilang pag score. Naging mabilis ang mga pangyayari... Muling pagtakbo, pagpasa at pagtingin sa oras. Foul. 3 Point Shots. Free throws... Takbo muli, pasa at huling pagpasa kay JV Casio, binato nya ang bola sa ere sa pag-asang maipantay ang score sa kalaban...pero na miss nya ang tira. Halos napaluhod sya sa pagtingin sa bolang ibinato nya na sana naglagay muli sa atin sa mapa ng larangan ng basketball. Natalo tayo. At sa unang pagkakataon naiyak ako sa isang laro ng basketball. Naramdaman ko ang lungkot ng Smart Gilas. Nalungkot ako para sa kanila. Nalungkot ako kasi alam kong nalungkot si Chris. Yun ang pangarap nya ang sana makarating muli ang Pilipinas sa Olympics...Yun ang pangarap ng buong team. Yun ang pangarap ko...

Maraming nagsasabing okay lang yun, pero alam ko sa likod ng kanilang mga sinabi at ipinahihiwatig ng kanilang mga mata ang salitang "sayang". Naghintay ako ng Heroes Welcome para sa Smart Gilas National Team subalit wala. Naisip ko kasi atleast sa mahabang panahon ngayon lang ulit nagmarka ang Pilipinas sa FIBA Asian Championship pero oo nga pala sa bansang ito ang kinikilala lang ang iyong may medalya..Tsk Tsk...

2. Bagyong Pedring

Nawalan ng pasok. Yehey... Pero sympre hindi masaya yun para sa mga nasalanta at binaha. Maswerte pa rin kami.

3. Ikakasal na si Julie. Barkada ko.
...At magkakababy na sya. :)
4. Ang thesis ko.
Ang dami ko pang kulang na data at magulo pa ang Chapter 3 ko. Haaay...



5. Final Exams sa BA 202 Social Responsibility.

Waaah...hindi pa ko tapos dito. Buti na lang take home exam. Hehehe


6. Ang pagbabalik ni Chris Tiu sa HanepBuhay.
Yehey! ang tagal din nyang nawala kasi nga nasa Wuhan China sila. Pero nandito na ulit sya. Hahaha... Happy Anniversary HanepBuhay!!!


Ayun na lang muna.. :) Hehehe