Miyerkules, Setyembre 5, 2012

The Man That I Need

May mga lalaki pa bang naniniwala sa dalisay na pag-ibig?

Yung pahahalagahan ka nya kasi mas mahalaga sa kanya na irespeto ka kumpara sa iba nyang kagustuhan.

Yung magiging maginoo sya sa lahat ng pagkakataon.

Yung naniniwala syang may tamang panahon para sa lahat ng bagay.

Yung hihintayin nyang dumating yung tamang pagkakataon na kayong dalawa ay tunay na nabibilang sa isa't isa.

Yung wala syang iisipin kundi ang kapakanan mo. Kapakanan na mapabuti ka.

Yung ikalulungkot nya kapag ikaw ay nasaktan at sisikapin nyang itama yun para sa iyong kaligayahan.

Yung ang inspirasyon nya ay kayong dalawa para mangarap sya ng mas magandang kinabukasan.

Yung ipagmamalaki ka nya sa kanyang pamilya at mga kaibigan.

Yung kaya nyang aminin ang kanyang kahinaan para mas maging matatag ang inyong samahan.

Yung naniniwala syang makakaya nya ang mga problema kasi ikaw ang kasama nya.

Yung mamahalin ka nya dahil iyon ang tanging nararamdaman nya... Wala ng iba

At higit sa lahat yung mamahalin ko sya sa kabila ng kanyang maaring maging pagkukulang, kahinaan, kalakasan... Dahil sa mahal ko sya at iyon ang tangi kong nararamdaman.

Sana dumating na sya. Matagal ko na rin syang hinihintay...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento